Magandang Umaga itong aking bati,
Sa dakilang kaibigang may ngiti sa labi,
Ang aking damdami’y, lubos na masidhi,
ipagpatawad mong, ako’y nagkamali.
Ang samo’t dalangin ko’y iyong matulungan,
Ang buhay ko na ngayo’y walang patutunguhan,
Nawasak na’t nadurog sa aking kahangalan,
Sa lihim na pag-ibig nabunyag sa kaibigan.
Ang mundo ko ngayo’y batbat ng pasakit,
Ang isip ay tuliro’t damdamin ay masakit,
Wagas na pag-ibig saksi ko ang langit,
Patayin man ako’y hindi ko iwawaglit.
(pradz19)

hahaha ikaw talga…
lagi naman ako inlove eh…
inlove lalo na sa work…
as teacher…aun…
By: pradz19 on June 4, 2008
at 7:23 am
wheee!!! =)) hahahahah
GO BRO!
By: Shaunna! :P on October 20, 2009
at 6:31 pm
bro! inlove ka?..sino po?..
By: gail on June 4, 2008
at 7:07 am